ALAS Logo

ALAS

Learning • Awareness • Security

Tagumpay na Tree Planting at Brigada Eskwela 2023

Tagumpay na Tree Planting at Brigada Eskwela 2023

📅
Date August 23, 2023
📍
Location Angadanan, Isabela
👁️
Views 6

agumpay na Tree Planting at Brigada Eskwela 2023: PNP at KKDAT, Nagkaisa Para sa Kalusugan ng Kapaligiran at Kahandaan ng mga Paaralan
Matagumpay na naisagawa ang tree planting activity sa pamununo ni PMAJ Rassel Tuliao, Chief of Police at ang mga miyembro ng PNP mula sa Angadanan, kasama ang grupo ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) noong ika-19 ng Agosto, 2023 sa Riverview Park, Centro 1 sa bayan ng Angadanan. Layunin ng programang ito na makatulong sa kalikasan at bilang bahagi ng pakikisisa sa PNP Core Values : "MAKAKALIKASAN". Matapos nito ay nakiisa naman ang mga nagsabing grupo sa Brigada Eskwela '23 sa mga paaralan tulad ng Angadanan National High School, Minanga Baniket Elementary School, at Consular Elementary School. Ang layunin ng aktibidad ay mapanatili ang kalusugan ng kapaligiran sa mga paaralan, higit pa rito, ito ay naging pagkakataon para sa maisaayos ang mga gamit at maging handa sa darating na pasukan.
Nag-ambag ng kanilang oras at pagsisikap ang mga miyembro ng PNP, kasama ang 205th Manuever Company, sa pamumuno ni PMAJ Are-j V Caraggayan at KKDAT Angadanan Chapter, upang maging bahagi ng Brigada Eskwela sa mga nasabing paaralan. Sa pamamagitan ng pagtutulungan, naging maayos at maaliwalas ang mga silid-aralan at paligid nito, handa na para sa pagbubukas ng klase.
Sa huli, masasabi natin na ang aktibidad na ito ay nagdulot ng positibong epekto hindi lamang sa kalikasan kundi pati na rin sa pagkakaisa at kahandaan ng mga paaralan para sa paparating na pasukan.

← Back to Activities View All Events